LEGAZPI CITY -- Tuloy ang pag-inog ng suwerte sa Globalport.

Naghabol sa kabuuan ng laro, matikas na naisalba ng Batang Pier ang matikas na hamon ng Rain or Shine Elasto Painters para maitakas ang 101-99 panalo Sabado ng gabi sa OPPO-PBA Governors Cup provincial Tour sa Ibalong Centrum for Recreation dito.

Hataw si Terrence Romeo sa natipang 33 puntos para sandigan ang Batang Pier sa ikatlong sunod na panalo.

Nag-ambag si Jay Washington ng 11 puntos, kabilang ang go-ahead basket na nagbigay ng bentahe sa Globalport sa krusyal na sandali. Magkasosyo ang Batang Pier at Painters na parehong may 3-4 karta.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagawang manalo ng Batang Pier sa kabila ng hindi paglalaro ni Asian import Tyler Lamb.

Naghahabol ang Batang Pier sa 92- 97 may tatlong minuto sa laro, bago nagbaba ng 9-2 run para maagaw ang panalo.

Naisalpak ni Washington ang putback mula sa sariling mintis na tira para sa 100-99 bentahe. Sumablay si Beau Belga sa kanyang jumper, ngunit may pagkakataon pa ang Painters na maagaw ang panalo, ngunit sablay din ang three-pointer ni Jericho Cruz.

Iskor:

Globalport (101) – Romeo 33, Glover 18, Pringle 16, Washington 11, Taha 7, Yeo 6, Mamaril 3, Salvacion 3, Kramer 2, Semerad 2, Dehesa 0, Fortuna 0

RoS (99) – Lowhorn 21, Belga 17, Lee 11, Tiu 10, Almazan 8, Chan 8, Norwood 6, Ahanmisi 5, Ponferada 5, Cruz 4, Quinahan 4

Quarterscores: 25-28, 48-54, 76-81, 101-99