Sa panahong patuloy ang pagbabago, importante pa ring inaalala ang mga kababayang ibinuwis ang kanilang buhay para sa kasarinlan ng bansa.

Tulad na rin ngayong araw na ginugunita ang National Heroes Day. “If you see the nation around you, nagbabago ‘yung priorities. But you don’t forget people who, when we had nothing, fought to have freedom for the next generation,” ayon kay Michael Charleston Chua, isang historian.

Sa kabila nito, sinabi ni Chua na sa panahon ngayon, hindi naman kailangang mamatay para tawaging bayani.

“The Filipino definition of bayani ay isang taong nagbigay ng serbisyo sa bayan nang walang inaasahang kapalit. He is always one with the people, hindi niya hinihiwalay ‘yung sarili niya sa bayan,” pahayag pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang National Heroes Day ay ‘blanket holiday’ para sa lahat ng bayani na walang sariling araw ng paggunita.

“National Heroes Day specifies no hero; the law that put into practice the celebration does not name a single one.

And this lack of specifics offers an opportunity to celebrate the bravery of not one, not a few, but all Filipino heroes who have braved death or persecution for home, nation, justice, and freedom,” ayon sa gov.ph.

Ginawa itong batas noong Oktubre 28, 1931 kung saan idinaraos ito tuwing huling Linggo ng Agosto. Noong March 20, 1942, nilagdaan ni President Jose P. Laurel ang Executive Order No. 20 kung saan inililipat ang holiday tuwing Nobyembre 30.

Si President Elpidio Quirino naman ang nagbalik sa huling Linggo ng Agosto noong 1952. Sa panahon ni President Corazon Aquino, nilagdaan nito ang Executive Order No. 292, Book 1, Chapter 7, kung saan itinakdang regular holiday ang National Heroes Day na isineselebra tuwing huling Linggo ng Agosto.

Dahil naman sa ‘holiday economics’ ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nilagdaan nito ang Republic Act No. 9492, na nagtatakda sa huling Lunes ng Agosto bilang National Heroes Day. (Jaimie Rose R. Aberia)