Makalipas ang ilang oras na pagka-comatose, tuluyan nang namatay ang isang panadero matapos mabagok nang suntukin ng barker na kanyang nakasagutan sa Tondo, Maynila, nitong Sabado ng gabi.

Sinubukan pa ng mga doktor sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) na isalba ang buhay ni Joey Francisco, 42, ng 336 Gasangan Street, Tondo.

Nagtatago naman ang suspek na nakilala sa alyas na “Mac-mac”, tinatayang nasa 45-anyos, at may taas na 5’7”.

Sa ulat ni SPO3 Vincent Barbosa II, ng Manila Police District (MPD)- Station 2, dakong 9:30 ng gabi nangyari ang suntukan sa panulukan ng Ylaya at Padre Rada St., Tondo.

Basta ma-expel din mga sangkot? Rep. Barzaga, tanggap expulsion sa isang kondisyon

Ayon kay “Annaliza”, kinakasama ng biktima, papasakay na sila ng jeep nang magkasagutan ang suspek at ang biktima na nauwi sa suntukan.

Napalakas umano ang suntok ni Mac-mac kay Joey dahilan upang matumba at mabagok sa semento. (Mary Ann Santiago)