PARIS (AP) — Isang linggo matapos maging Olympic champion, naitala ni Ruth Jebet ng Bahrain ang bagong world record sa women’s 3,000-meter steeplechase sa Diamond League meeting sa Paris.

Nagwagi rin si Rio Olympic champion Kendra Harrison sa 100 meter hurdles, ngunit bigo siyang lagpasan ang sariling oras.

Naisumite ng 19-anyos na si Jebet, ipinanganak at lumaki sa Kenya, ngunit nanirahan sa Bahrain, ang record time na walong minuto at 52.78 segundo sa Stade de France Stadium.

Nalagpasan niya ng may anim na segundo ang dating record na 8:58.81 na naitala ni Gulnara Samitova-Galkina ng Russia sa 2008 Beijing Games.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I tried many times to beat the world record,” pahayag ni Jebet.

“I was not expecting such a big difference with the record,” ayon sa gold medalist sa naturang event sa Rio Games.

Lubhang dominante ang panalo ni Jebet na may 10 segundo ang bentahe sa silver medalist na si Hyvin Kiyeng ng Kenya at halos 20 segundo ang layo sa bronze medal winner na si Emma Coburn ng U.S.

Ginapi ni Harrison sa naisumiteng 12.44 segundo ang kababayan na si Dawn Harper-Nelson (12.65).

Nakopo naman ni Ben Youssef Meite ng Ivory Coast ang kampeonato sa 100-meter run sa bilis na 9.96 segundo kontra kina South African Akani Simbine at Dutchman Churandy Martina. Hindi lumaro si world at Olympic champion Usain Bolt.

Nakamit naman ni Kenyan Nicholas Bett ang gintong medalya sa men’s 400 hurdles, habang namayani ang kababayan niyang si Alfred Kipketer sa 800 meters.