Asahan ang muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa pagtaya ng oil industry, posibleng tumaas ng 50 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina habang 20 sentimos naman sa diesel.

Ang nagbabadyang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

Noong Agosto 23, nagtaas ang oil companies sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell ng P1.45 sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang P1.35 naman sa gasoline dahil sa pagtaas ng contract price ng langis sa international market. (Bella Gamotea)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists