Dahil sa labis na pagkatakot na mga natanggap na pagbabanta sa kanyang buhay, mas pinili ng isang lalaki na ibigti ang kanyang sarili sa Sampaloc, Manila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Well Boy Jimaol, 32, stay-in employee ng Don Benito’s Cassava Cake, na matatagpuan sa 929 Ibarra Street, Sampaloc.

Sa ulat ni Det. Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng pantry na matatagpuan sa ground floor ng kanyang pinagtatrabahuhan.

Huli umanong nakita ang biktima ng kasamahan nitong si Neil Branzuela, dakong 6:00 ng umaga, habang patungo sa comfort room ng establisimyento.

Basta ma-expel din mga sangkot? Rep. Barzaga, tanggap expulsion sa isang kondisyon

Makalipas ang isa’t kalahating oras, nang magtungo si Branzuela sa pantry, laking-gulat niya nang bumulaga ang bangkay ni Jimaol.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente. (Mary Ann Santiago0