CAMP MACABULOS, Tarlac City – Isang 62-anyos na motorcycle rider ang sinaksak matapos pumalag sa umaagaw sa kanyang motorsiklo, na nangholdap din sa kanya sa Sta. Rosa Street sa Barangay Poblacion Sur, Paniqui, Tarlac.

Ayon kay PO3 Julito Reyno, dakong 10:00 ng gabi nitong Sabado at pauwi na si Donato Serna, 62, driver ng Microbike Ext (DA-78046) at residente ng Bgy. Abogado, Paniqui, nang harangin ng tatlong hindi nakilalang carnapper.

Batay sa report, tinutukan ng matalas na jungle knife si Serna at tinangkang agawan ng motorsiklo kaya pumalag ito, pero sinaksak ng isa sa mga suspek sa kamay.

Bukod sa motorsiklo, kinulimbat din ng mga suspek ang P5,000 cash ni Serna. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar