TACLOBAN CITY, Leyte – Ibinunyag ng isang mataas na opisyal ng Department of Justice (DoJ)-Eastern Visayas na detalyado nang inilahad ni Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr. ang mga transaksiyon sa ilegal na droga ng anak nitong si Kerwin at pinangalanan na ang mga personalidad na nasa likod ng illegal drug trade sa Leyte at Samar.

Sinabi ni Regional State Prosecutor Irwin A. Maraya na nasa Leyte Provincial Prosecutor’s Office ang alkalde nitong Agosto 24 para magsumite ng affidavit kay Leyte Provincial Prosecutor Arlene Cordovez na nagdedetalye sa mga ilegal na aktibidad ng anak nito.

Ayon naman kay Albuera Police head, Chief Insp. Jovie Espinido, may kopya na sila ng affidavit ng alkalde na gagamitin ng pulisya sa pagtugis sa mga taong nagpoprotekta sa mga aktibidad ni Kerwin sa Leyte at Samar.

“It is really a big exposé made by Mayor Espinosa on who were the people behind the illegal drug activities of his son,” sinabi ni Espinido nang kapanayamin sa telepono.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang sumugod ang alkalde nitong Miyerkules sa Leyte Police Provincial Office sa Tacloban City para humingi ng police custody ilang oras makaraang tambangan at mapatay ang abogado niyang Atty. Rogelio Bato, Jr. sa Sitio Lumbang 2, Bgy. 96, Calanipawan, Tacloban City. (Nestor L. Abrematea)