HINDI kontra si James Reid sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.
“I guess it’s all for the better, so I don’t see any problem with that,” sabi niya nang humarap sa reporters sa press launch sa kanya ng Fujifilm bilang karagdagan nitong endorser, kasama ni Bea Alonzo, nitong nakaraang Biyernes.
Wala aniya siyang dapat ikabahala at wala rin siyang pagtutol kung matutuloy ang sinasabing drug test sa showbiz personalities. Willing siyang sumailalim dito.
“Of course, definitely,” sabi niya.
Wala rin siyang nakikitang masama kung magsasagawa ng random inspection sa concerts o music festivals.
“Well, I love going to festivals. I love partying,” sabi ni James. “But, I mean, I guess you have nothing to be afraid if you did not do anything wrong, so why not?”
Sa kabilang banda, kaisa siya ng pananaw ni Robin Padilla pagdating sa ilalabas na listahan ng mga pangalan ng showbiz celebrities na pinaghihinalaang drug pushers o illegal drug users.
Nagpahayag kamakailan si Robin na mas makabubuti kung magkakaroon muna ng dialogue sa mga alagad ng batas ang mga personalidad sa showbiz na pinaghihinalaang drug users.
“I think Robin Padilla already spoke out, saying to think about talking to them first before, like, ruining people’s lives. I think, yeah, I’m more in favor of that,” sabi pa ni James.
Kararating lang nina James at Nadine Samonte kasama ang production team ng Till I Met You na nag-taping sa Greece.
Ito ang ikalawang TV series nila, pagkatapos ng naging top rater na On The Wings of Love.
Premiere airing na ng Till I Met You ngayong gabi, sila ang papalit sa time slot ng Dolce Amore na nagtapos na last week. (DINDO M. BALARES)