Inatake ng migraine at back pain si Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit mahusay na umano ang pakiramdam nito sa kasalukuyan.

Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar, nagpadoktor na ang 71-anyos na Pangulo at handa nang sumabak uli sa trabaho.

“The President has been advised by his personal doctor to rest because he had a migraine a few days ago. He also had some back problems,” ayon kay Andanar.

“He is now up and about and has resumed his working schedule,” dagdag pa nito.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Ngayong Lunes, inaasahan ang busy na eskedyul ng Pangulo, kabilang dito ang pangunguna sa paggunita sa National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani, pagbisita sa burol ni PO1 Gary Cabaguing na napatay sa drug war sa Samar, at pagbisita sa mga sugatang pulis at sundalo sa St. Paul Hospital sa Tacloban City.

Mula Leyte, babalik sa Malacañang ang Pangulo upang makipagpulong sa anti-crime volunteers, kasunod nito ang dinner sa mga nasugatang sundalo at pulis. (Genalyn Kabiling)