GABALDON, Nueva Ecija – Natangay ng mga hindi nakilala at hinihinalang miyembro ng Salisi Gang ang malaking halaga ng pera at mahahalagang gamit mula sa ilang balikbayan habang nagsisipaligo ang mga ito sa Stone 8 Resort sa Barangay Malinao sa bayang ito, nitong Biyernes ng gabi.

Bago nabiktima ng mga kawatan ay naging abala ang mga balikbayan sa pag-iinuman, pagbi-videoke at paliligo sa swimming pool.

Sa imbestigasyon ni PO2 Erwin Gonzales, dakong 2:00 ng umaga nang matapos ang masayang pagtitipon at doon na nadiskubre nina Mary Joy Cabrisante, 40, dalaga, domestic helper sa Hong Kong; at Joselito Villanueva, 40, factory worker sa South Korea, ang pagnanakaw makaraang matuklasan nilang wala na ang gamit nila sa inupahang kuwarto.

Natangay ang bag ni Cabrisante na naglalaman ng mga mamahaling cell phone, P40,000 cash, $2,000 cash, visa, ATM cards at iba pang mga dokumento. (Light A. Nolasco)
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar