Nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Dindo’.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyong may international name na “Lionrock” sa layong 1,410 kilometro Silangan-Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.

Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyong ‘Dindo’ ang lakas nito habang nasa labas ng teritoryo ng bansa.

Binanggit pa ng PAGASA, kung hindi magbabago ng direksyon, tutumbukin ni “Dindo” ang Japan. (Rommel P. Tabbad)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists