BAGUIO CITY - Naalarma ang pamahalaang lungsod sa patuloy na pagdami ng sumusukong adik at tulak mula sa 128 barangay na apektado ng droga sa Summer Capital of the Philippines.

“Nakakagulat talaga, sa kabila ng mahigpit na kampanya natin sa droga noon pa man ay hindi ko sukat akalain na buong barangay sa lungsod ay apektado na. Malaking tulong ang ginawang boluntaryong pag-surrender para magawa natin na drug-free ang ating tourist city,” sabi ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan.

Aniya, nakahanda ang siyudad na tumulong sa rehabilitasyon ng mga drug surrenderer, ngunit mahalagang “tulungan muna nila ang kanilang sarili sa pagbabago”, ayon sa alkalde.

Sa mga unang ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay 34 na barangay lang sa Baguio ang apektado ng droga, pero nang paigtingin ang kampanya laban dito ay biglang lumobo sa 128 ang mga barangay sa siyudad na apektado ng droga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa talaan ng Baguio City Police Office, umabot na sa 882 ang sumuko sa awtoridad. (Rizaldy Comanda)