DIREK MARYO J AT DR. MILAGROS HOW_nora item copy

NAGING big success ang first ToFarm Film Festival noong July 13-19, kaya agad nagdesisyon ang organizers na ngayon pa lang ay paghandaan na ang 2nd ToFarm Festival para sa 2017. 

Naiiba ang ToFarm filmfest dahil festival ito ng mga pelikulang sadyang ginawa para sa ating mga magsasaka, sa ating agricultural sector at iba pang kayamanang bigay ng kalikasan.

Nasa likod nito si Direk Maryo J. delos Reyes na kahit halos wala pang tulog last Thursday, dahil galing siya sa taping ng Someone To Watch Over Me ng GMA-7, ay hindi niya binigo si Dr. Milagros How, ang Executive Vice President ng Universal Harvester Inc., sa pagdalo niya sa presscon to launch the 2017 ToFarm Film Festival.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Ikinuwento ni Direk Maryo na natuwa ang farmers na pinuntahan nila sa Central Luzon last week para ipapanood ang six movies kahit tapos na ang showing nito noong festival. 

Sa susunod na buwan, pupunta naman sila sa Cebu at Davao para ang mga magsasaka naman doon ang makapanood ng mga nasabing pelikula na ang scriptwriters at mga director ay pawang mga baguhan.

“Nakakatuwa na na-appreciate nila ang mga pelikulang napanood nila, iba-iba kasi ang genre kaya hindi boring panoorin,” sabi ni Direk Maryo. “Kaya ngayon, pangako ni Dr. How, mas malawak at mas malaki ang susunod na festival.”

May tema ang festival na “Planting The Seeds of Change”. Kaya ang istorya na isa-submit ay kailangang tungkol sa pagbabago, kung paano ipakikita ang mga makabagong technology sa pagsasaka o sa pag-aalaga ng mga hayop.

Ipinaalam na rin ni Direk Maryo ang schedules para sa nalalapit na festival, na kukuha lamang sila ng anim na scripts na tutulungan ng ToFarm sa pamamagitan ni Dr. How, na mai-produce.

Ang deadline sa submission ng script ay sa November 18. Iri-release ng screening committee ang six finalists sa January 20 para magsimula nang mag-shooting dahil kailangang mai-submit nila ang finish product sa June 2. Magaganap ang grand ceremony sa July 12 at tatagal ang screening hanggang sa July 18. Sa closing din gaganapin ang 2nd ToFarm Film Festival 2017 Awards. Maaaring magpadala ng email sa [email protected] para sa mga katanungan.

Ang mga mananalo sa awards night ay tatanggap ng cash prizes, P500,000.00 sa best picture; P400,000.00 para sa 2nd best picture at P300,000.00 naman para sa pangatlo. This time, magdadagdag sila ng Best Child Performer dahil nakita nila sa unang festival na maraming mahuhusay na child performers. (NORA CALDERON)