29mikee copy

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, napabilang si PBA Globalport team owner Mikee Romero sa top 50 richest Pinoy, ayon sa ulat ng Forbes magazine.

Kasalukuyang No.1 representative ng Party-list 1-Pacman sa House of Representatives, nakuha ng 43-anyos na si Romero ang No.49 sa Forbes list tangan ang US$150 million (P7 billion) value.

Bukod sa negosyo sa harbour business, real estate at iba’t ibang stock investments, si Romero ay vice chairman din AirAsia Philippines.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Iginiit ni Romero na ang tagumpay sa negosyo ay bunga ng pagsisikap at character na nabuo sa pagiging isang sportsman at patron. Bukod sa pagiging dekalibreng varsity basketball player sa La Salle, isang pursigidong siklista, martial arts fighter at polo player si Romero.

“I am always a sportsman and it is from sports where I get my energy when I do business,” sambit ni Romero.

“Because of sports, I learn to be aggressive and dynamic.”

Kinatigan ito ni Globalport team manager at business associate na si Erick Arejola.

“His passion for sports is the same as in business,” pahayag ni Arejola, kababata at malapit na kaibigan ni Romero.

At bahagi ang sports sa pundasyon na nais ni Romero na mapatatag sa kanyang paninilbihan bilang Congressman.

Isinusulong niya ang pagbuo ng Department Sports.

Bukod kay Romero, ilang sportsman din ang kasama sa listahan ng Forbes kabilang sina San Miguel Corporation bosses Ramon Ang at Danding Cojuangco na nasa ika-16 (US$1.21 billion o P56 billion) at ika-20 (US$1.14 billion o P53 billion), ayon sa pagkakasunod.

Nasa ika-37 puwesto naman si Wilfred Uytengsu, may-ari ng Alaska sa PBA at organizer ng pinakamatagumpay na triathlon championship sa Pilipinas.