SINGAPORE (AFP) – Iniulat ng Singapore noong Sabado ang unang locally-transmitted case ng Zika virus, at tatlong iba pa ang pinaghihinalaang nahawaan.

Kinilala ng mga awtoridad ang pasyente na 47-anyos na babaeng Malaysian na residente ng city-state.

“As she had not travelled to Zika-affected areas recently, she was likely to have been infected in Singapore,” sabi ng Ministry of Health (MOH) and the National Environment Agency sa isang joint statement nitong Sabado ng gabi.

Nagkaroon ng lagnat, rashes at conjunctivitis ang babae noong Huwebes at nagpositibo sa virus makalipas ang dalawang araw sa isang lokal na ospital, kung saan siya inoobserbahan, ayon sa pahayag. Nagpapagaling na ngayon ang pasyente.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Tatlo pang babaeng pasyente ang nagpositibo sa preliminarily test ng mosquito-borne virus batay sa kanilang urine samples. Gayunman, kinukumpirma pa ito ng mga karagdagang pagsusuri, saad sa pahayag.

Nagsimula ang Zika virus outbreak sa Brazil noong 2015.