Isinusulong ni Sen. Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ang panukala na naglalayong huwag nang ipabalikat sa konsyumer ang system loss na pinababayaran ng mga pribadong electric companies.

Ang publiko ay ilang dekada na ring inoobliga ng electric companies at rural electric cooperatives na bayaran ang mga enerhiyang nawawala o hindi nababayaran ng ibang konsyumer, dahilan upang tumaas ang singil sa kuryente.

“Charging the system loss to electric consumers, I believe, is highly unfair. Hindi tama na ipinapasa ninyo sa taumbayan ang lugi ninyo sa inyong negosyo,” ayon kay Pacquiao sa idinaos na pagdinig ng Senate committee on energy, ilang araw na ang nakakaraan.

Sa panukalang isinampa ni Pacquiao, ang “Allowable System Loss Act of 2016,” ay naglalayong magbibigay ng financial relief sa electric consumers. (Mario B. Casayuran)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists