WARSAW, Poland (AP) — Gaano kahalaga ang Olympic medal para sa isang atleta?

Walang papantay dito. Ngunit, para kay Polish discus thrower Piotr Malachowski, maaatim niyang isakripisyo ang kanyang Olympic medal para sa kaligtasan ng isang batang nangangailangan ng kanyang tulong.

Nitong Biyernes (Sabado sa Manila), ibinenta ni Malachowski ang napagwagihang silver medal sa katatapos na Rio Olympics para tulungan ang pagpapagamot ng isang tatlong taong batang lalaki na may cancer sa mata.

Ayon kay Malachowski sa kanyang Facebook account, interesado ang magkapatid na Dominika at Sebastian Kulczyk, isa sa pinakamayamang tao sa Poland, na bilhin ang kanyang silver medal na ilalagay niya sa auction para masuportahan ang pagpapagamot ng batang si Olek sa sakit na ‘retinoblastoma’.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Hindi nagbigay ng pormal na halaga si Malachowski, ngunit iginiit niya na makukuha niya ang nais na halagang 500,000 zlotys (US$130,000).

“My silver medal is worth much more today than it was a week ago,” pahayag ni Malachowski.