JAKARTA – Pinatunayan ni Pinoy fighter Edward “The Ferocious” Kelly ng Baguio City na isa siya sa pinakamatikas sa kanyang weight class nang maitala ang knockout win kontra Dutch-Indonesian mixed martial arts veteran Vincent “MagniVincent” Latoel sa co-main event ng ONE: Titles & Titans nitong Sabado sa Jakarta Convention Center.

Matikas na nakihamok ang pambato ng bansa sa ONE Championship – ipinapalagay na pinakamalaking MMA promotion sa Asya – tungo sa impresibong panalo sa ikalawang round ng kanilang duwelo.

Sa main event, ginapi ni Luis Santos ng Brazil si Igor Svirid ng Kazakhstan via unanimous decision.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032