CALIFORNIA – Nasa ika-20 puwesto si Princess Superal, may walong stroke ang layo sa liderato matapos ang dalawang round, ngunit, sapat na ang naiskor na 72 ng Pinay para mapatatag ang kampanya nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa LPGA Tour Qualifying School sa Rancho Mirage, California.

Tangan ni Superal, amateur golf star na ilang ulit nang nagwagi sa pro tournament ng Ladies Philippine Golf Tour, ang kabuuang iskor na 142, sapat na para makausad sa second phase para makakuha ng tiket sa LPGA.

Ang top 120 players matapos ang tatlong round ng torneo ay makakausad sa final round kung saan naghihintay ang 90 slots para sa Stage II na nakatakda sa Oct. 20-23 sa Plantation Golf and Country Club sa Venice, Florida.

Nakabawi ang 19-anyos sa naiskor na bogey sa No. 6 sa natipang tatlong birdie sa sumunod na apat na hole bago muling nag-bogey sa No.12 at No.15.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Tumatag din ang kampanya ni Regina de Guzman sa naiskor na na ikalawang 72 para sa kabuuang 144 at sosyong ika-46.