GEN. SANTOS CITY – Kung may gustong patunayan si Romero “Dynamite” Duno, nais niyang magawa ito sa harap nang kanyang mga kababayan.

At makakamit niya ang pagkakataon sa pakikipagtuos kay Paiboon Lorkam ng Thailand sa kanilang paghaharap para sa bakanteng WBC Asian Boxing Council super featherweight title sa Setyembre 10 sa Tupi Municipal Gym sa Tupi, South Cotabato.

Target ni Duno, pambato ng General Santos City, na maitala ang knockout para mapasaya ang kanyang mga kababayan na muling makakasaksi ng isa pang kampeong Pinoy.

Tangan ng 20-anyos na si Duno ang 10-1 karta, habang hawak ng mas beteranong Thai ang 16-8 marka.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We need to score an impressive victory over the tough Thai Fighter, a knockout would be perfect” sambit ni Sanman trainer Dodong Desabille.

Huling nagwagi si Duno via 3rd round stoppage kontra sa beteranong si Eusebio Baluarte noong Hunyo 26 sa Gaisano Mall Gensan.

Ang tanging kabiguan ni Duno ay isang unanimous decision kontra Mikhail Alexeev ng Russia para sa bakanteng WBO Youth super featherweight title noong Mayo 6 sa DIVS Ekaterinburg sa Russia.

“I’m thankful of the opportunity that Sanman promotions has gave me. I will try my best to knockout my opponent,” pahayag ni Duno.

Ang duwelo nina Duno at Lorkam ang main event sa “Battle in Tupi” fight card ng Sanman Promotions.