Dinalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua, kung saan sa loob ng maraming oras ng kanilang pag-uusap, iginiit ng Pangulo na sa bilateral talks ng China at ‘Pinas, igigiit nito ang arbitral judgement sa West Philippine Sea (WPS).

“I have to sacrifice time. I have to listen to him to respond properly,” ayon sa Pangulo, kung saan idinagdag nito na kahit maraming pinagtatalunang isyu, iniiwasan nito ang kaguluhan.

“We avoid trouble with them. Hindi pa natin kaya. Sinabi ko, “Mr. Ambassador, I will not talk about it. But when we are in front of each other in a bilateral talk, then I would state my case. I have this arbitral judgment. We will not go out of the four corners of this paper. Then let us talk”, kuwento ng Pangulo sa 10th anniversary ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) sa Davao City noong Biyernes.

Hindi pa umano makikipag-usap ang Pangulo ngayon habang marami pang mga conference na nagaganap. Ayaw din umano nito ng multilateral talks dahil delikado ito. Samantala kapag umatras naman sa formal talks ang China, sinabi ng Pangulo na “then it could only mean one thing.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa pagpapatuloy ng kanyang speech, sinabi ng Pangulo na kailangang ihanda ang kapabilidad ng militar dahil sa napipintong ‘conflict’.

“Now, our way towards the future. Philippines is going to experience another spasm. When? I do not know. Sigurado, sigurado yan,” ani Duterte.

“So we prepare within our limited talent and capacity. We can not really produce the missiles and things, but ‘yun ating alam man lang how to fight a war, win or lose, we don’t care basta we fight,” dagdag pa nito.

Ito umano ang dahilan kung bakit winawakasan na ng Pangulo ang maliliit na labanan sa bansa, kabilang dito ang pakikipag-usap sa rebeldeng komunista at Muslim separatist.

“I have also to end the small wars here because we have to focus on a new (conflict),” ayon kay Duterte. (Elena Aben)