Pinakilos ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na asikasuhin ang pagbibigay ng benepisyo at iba pang tulong na nakalaan sa pamilya ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na namatay sa sunog sa Sulaimania District sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Bello, ang OWWA na isang sangay ng Kagawaran, ang naatasang magbibigay ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay upang maibsan ang kanilang pagdadalamhati.

Ang mga tagapagmana ng miyembro ng OWWA na namatay sa aksidente ay makakatanggap ng P200,000 death benefit, samantalang ang mga nasawi sa natural na sanhi ay makatatanggap ng P100,000. Makakatanggap din sila ng karagdagang P20,000 para sa gastusin sa pagpapalibing. (Mina Navarro)
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'