Hiniling ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa awtoridad na resolbahin ang pagpatay sa mga abogado at hukom.

Ang panawagan ay kasunod ng pananambang kay Atty. Rogelio Bato Jr., abogado ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa kanilang statement, nanawagan ang IBP sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa mga naganap na pamamaslang ng mga abogado sa bansa.

“A strong and effective legal profession, as stated above, is one of the best safeguards against chaos and anarchy in a democratic society,” nakasaad sa statement ng IBP.

National

DOH, nagbabala tungkol sa 'Holiday Heart Syndrome'

“Thus, when lawyers are made to live under threat of violence and even murder for performing their sworn functions, the rule of law is seriously degraded and those intending to subvert the law can do so with impunity,” dagdag pa rito.

Si Bato at 15-anyos na kasama nito ay namatay matapos paulanan ng bala ang kanilang sasakyan sa Bgy. 96, Lumbang, Tacloban City noong August 23. (Jeff Damicog)