TARLAC CITY - Apat na babae at isang lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng “Bundol Gang” ang nakatangay ng malaking halaga ng cash matapos nilang biktimahin ang isang lalaking overseas Filipino worker (OFW) na katatapos lang mag-withdraw ng pera sa bangko.

Kinilala ni PO3 Neville Isdell Garcia ang biktimang si Michael Gandola, 33, ng Barangay Villa Aglipay, San Jose, na natangayan ng P38,000 cash.

Naglalakad si Gandola sa F. Tanedo Street sa Tarlac City nang binangga siya ng apat na seksing babae na inantabayanan ng kasamahan nilang lalaki.

Pinaikutan ng mga suspek ang biktima hanggang malaslas ang backpack nito na pinaglagyan ng pera. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar