CEBU CITY – Upang maiwasang matambak kung saan-saan ang basura, sinabi ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña na maglulunsad siya ng programa na magbibigay ng libreng de-latang sardinas sa sinumang direktang magtatapon ng basura sa mga garbage truck.

Plano ng alkalde na mamahagi ng mga de-lata ng sardinas sa mga residenteng personal na magtatapon ng kanilang basura sa mga garbage truck na dumaraan sa bawat barangay, partikular na sa mga eskinita na hindi napapasok ng truck.

Sisimulang ipatupad ang programa sa mga sitio ng Alumnus at Alaska sa Barangay Mambaling, sa Bgy. Lahug at sa iba pang loobang lugar.

“This is only an experiment. We will be going to try it now. If it works, we will just give out sardines to everybody,” ani Osmeña.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Naniniwala ang alkalde na sa pamamagitan ng programa ay mahihimok ang mga residente na hintayin ang pagdaan ng mga garbage truck sa halip na basta na lamang iwan o itambak kung saan-saan ang kanilang basura.

Wala pang partikular na detalye kung kailan sisimulan ang programa. (Mars W. Mosqueda, Jr.)