Maagang magkakatapat ang itinalagang pre-season favorite De La Salle at reigning champion Far Eastern University sa UAAP Season 79 seniors basketball tournament na magsisimula sa Sabado sa University of Santo Tomas gymnasium.

Magkakasukatan kaagad ng lakas ang Green Archers at Tamaraws sa ikalawang playing day ng Season sa Setyembre 7 sa ganap na 4:00 ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan, nagkaroon ng mainitan at pisikal na tune-up game ang dalawang koponan na muntik nang nauwi sa kaguluhan.

Sa opening day sa Setyembre 4, magtutuos ang University of the Philippines at ang Adamson sa ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng season host University of Santo Tomas at Ateneo sa ganap na 4:00 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Sa ikalawang araw ng playing day bukod sa bakbakang FEU-La Salle, magtatapat din ang National University at University of the East sa pambungad na laro.

Magaganap naman ang salpukan ng mahigpit na magkaribal na La Salle at Ateneo sa Oktubre 2 sa ganap na 4:00 ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Nakatakda namang maganap ang paghaharap ng mga last season finals protagonist UST Tigers at FEU Tamaraws sa Oktubre 1 sa MOA Arena. (Marivic Awitan)