HERBERT copy

AYAW magkomento ang kakilala naming isa sa malalapit sa pamilya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista hinggil sa kasong isinampa sa Ombudsman laban sa alkalde.

Dishonesty at neglect of duty ang kaso dahil wala raw nagawa si Mayor Herbert sa talamak na droga na naging dahilan din sa pagbagsak ng kanyang kapatid na si Coun. Hero Bautista sa isinagawang drug test sa lahat ng mga opisyales ng gobyerno.

Ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang nagsampa ng kaso kay Mayor Herbert at kay Hero. Lumabag diumano ang magkapatid sa Admistrative Code for dishonesty, neglect of duty and misconduct.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Ayon naman sa dating aktres/news anchor na ngayon ay third termer QC Councilor Precious Hipolito, naniniwala siya na malalampasan ni Mayor Herbert at ni Konsehal Hero ang isyung ito.

Ganito rin naman ang naging reaksiyon ng isa pang taga-showbiz na konsehal pa rin ng Kyusi na Roderick Paulate.

May mga nagsasabi ring dahil nasa huling termino na bilang alkalde ng lungsod ng Quezon si Mayor Herbert, malamang daw na may halong pulitika ang naturang isyu laban sa kanya.

Samantala, sa halip na magbakasyon lang ng ilang buwan ay pinagbibitiw bilang konsehal si Hero Bautista ng mga nagsampa ng reklamo laban sa kanilang magkapatid. (JIMI ESCALA)