GERONA, Tarlac - Hindi akalain ng isang ginang na pag-iinteresan ng kanyang kapitbahay ang dala niyang P5,000 makaraang holdapin siya nito habang patungo siya sa trabaho sa Barangay Amacalan, Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Christian Rirao ang biktimang si Susenio Quejada, 51, may asawa, habang ang suspek ay ang kapitbahay niyang si Liza Dugay, 41, may asawa, kapwa taga-Bgy. Amacalan.

Natangay sa biktima ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng P5,000 cash, passport, at iba’t ibang susi.

Dakong 7:55 ng umaga nitong Biyernes at patungo sa trabaho ang biktima nang inabangan umano siya ni Dugay, pinaghahataw ng matigas na bagay sa ulo bago hinablot ang kanyang shoulder bag. (Leandro Alborote)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City