GENERAL SANTOS CITY – Inaresto nitong Biyernes ng pulisya ang isang dating opisyal ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at live-in partner nito sa isang drug raid sa Tantangan, South Cotabato.

Kinilala ni Chief Insp. Henry Villagracia, hepe ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ng South Cotabato Police Provincial Office, ang mga nadakip na si dating Police Insp. Leonardo Abuan, 60; at kinakasama nitong si Emily Teberde, 54 anyos.

Kapwa high-value drug personalities sa South Cotabato, inaresto ang dalawa sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Tantantangan.

Nasamsam ng pulisya mula sa dalawa ang ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000 at isang .45 caliber pistol.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Si Abuan, na nag-AWOL (absent without leave), ay dating hepe ng PNP-CIDG South Cotabato. (Joseph Jubelag)