Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na ibinbin muna ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na dapat ay isasagawa sa Oktubre.

“The reason I tell you now . . . why I agreed with the Congress to postpone the barangay elections, do you know why?

Because I am afraid that drug money will seep into the electoral process,” ayon sa Pangulo sa Davao City.

“You will just be adding to our headache. People who will win might be those that are funded by drug money,” dagdag pa nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kapag nangyari umano ito, sinabi ng Pangulo na dapat na ipatupad ang martial law; gayunpaman, mabilis din niyang binawi ang kanyang pahayag at sinabing hindi naman niya ito gagawin.

“Kailangan mo na mag-martial law to eliminate all, which I will never do in the first place. Mahirapan na talaga tayo,” ayon sa Pangulo.

Isa pa umanong rason sa postponement ng eleksyon ay ang kawalan ng badyet.

Kung gagastos umano ng bilyon ang pamahalaan, mas mainam na gastusin na lang ito sa pagpapatayo ng rehab centers.

Ang pagbinbin sa October elections ay humakot na ng suporta sa dalawang kapulungan ng Kongreso, Commission on Elections (Comelec), at sa Executive Department. (Elena L. Aben)