Hindi na nadala ang dalawang lalaki na minsan nang sumuko sa “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP), matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Valenzuela Police nitong Biyernes ng gabi.

Sa report ni Chief Insp. Ed Nepay, head ng Station Anti-Illegal Drugs- Special Operation Task Group (SAID-SOTG) kay Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police Station (VCPS), kinilala ang mga naaresto na sina Ernesto Austria, 38, at Ronald Ricamara, 49, kapwa residente ng Barangay Balangkas ng nasabing lungsod.

Ayon kay Mendoza, nitong nakaraang buwan ay sumuko na ang dalawa sa Valenzuela Police sa Oplan Tokhang.

Subalit may mga reklamo umanong nakarating sa kanilang tanggapan na bumalik sa pagtutulak ng ilegal na droga ang dalawa.

'May milyonaryo ulit!' Lone bettor, wagi ng ₱15M sa Super Lotto 6/49!

Dahil dito, ikinasa ng mga tauhan ni Nepay ang buy-bust operation sa lugar ng mga suspek, dakong 10:00 ng gabi, at tuluyang naaresto sina Austria at Ricamara.

“Akala kasi nila hindi mino-monitor ng mga pulis natin ‘yung mga nagsisuko sa Oplan Tokhang, alam namin ang kanilang galaw kung bumalik sila sa pagtutulak o paggamit ng ilegal nadroga.” pahayag ni Mendoza. (Orly L. Barcala)