MEXICO CITY (AP) – Inanunsyo ng mga opisyal ng edukasyon sa Mexico ang planong sibakin ang 1,255 guro at mga empleyado ng paaralan sa dalawang estado na diumano’y sumali sa mga protesta na binarikadahan ang mga kalsada at isinara ang mga eskuwelahan sa mga estado ng Oaxaca at Guerrero sa katimugan.

Sinabi ng education department na karamihan ng mga guro ay nagmula sa Oaxaca, ang sentro ng isang buwang protesta, kung saan 30 porsiyento ng mga paaralan ang nananatiling sarado.

Sinabi ng department noong Huwebes na iniimbestigahan na ang mga guro at posibleng sibakin dahil sa paliban ng apat na araw sa klase.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina