CAMP DANGWA, Benguet - Patay ang isang pulis at kamag-anak nitong dentista habang isa pa ang grabeng nasugatan matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang pick-up truck sa Halsema Highway sa Atok, Benguet kahapon ng umaga.

Nasawi sina SPO1 Clifford Valdez, 36, assistant instructor sa Cordillera Administrative Region Training School; at Dr. Estelita Valdes Sanches, 54, habang ginagamot pa si Bradley Valdez, 29, kapatid ng pulis, sa Benguet General Hospital.

Nabatid na dakong 4:00 ng umaga at galing sa lamayan sa Buguias ang mga biktima at pauwi na sa Baguio City sakay sa Toyota Hilux (CSU-444) nang mahulog ito sa 100-metro ang lalim na bangin sa Km. 30 sa Bgy. Caliking sa Atok.

Hinihinalang nakaidlip ang pulis na nagmaneho sa sasakyan, bukod pa sa madulas ang kalsada dahil sa umuulan. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar