Isang pugante ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga pulis na nagtangkang umaresto sa kanya sa North Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Agad na namatay si Mama Mandagia Makalati, alyas “Marco”, ng Barangay Lanuon, Carmen, na isa sa tatlong preso na tumakas kamakailan sa North Cotabato Provincial Jail at akusado sa panghoholdap at pagpatay.

Ayon sa report ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO), dakong 8:30 ng gabi nitong Huwebes nang mamataan ng pulisya si Makalati sa isang abandonadong bahay sa Bgy. Tinutulan, Pikit, ngunit agad umano nitong pinaputukan ang mga awtoridad kaya gumanti ang huli.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang dalawang kasamang pumuga ni Makalati na sina Teng Puti Mustapha at Esmael Nasser. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar