Nakasalay sa Department of Transportation (DoTr) ang magiging saklaw ng emergency powers na hinihingi ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matugunan ang problema sa trapiko sa kalakhang Manila.

Ayon kay Senator Grace Poe, inatasan na niya ang DoTr na agad magsumite ng kanilang plano at panukala dahil dito ibabatay ng Senado ang emergency powers na ibibigay sa Pangulo.

“Kung pwede lamang, basta huwag lang abusuhin at maayos ang probisyon, DoTr, i-submit na ninyo kung ano ang gusto ninyong gawin at aaprubahan namin ‘yan basta hindi lang ito magiging sanhi ng pagnanakaw at mayroong kayong timeline,” ani Poe.

Lumabas sa pagdinig ng Senate committee on public services nitong Huwebes na aabot sa tatlong taon bago maresolba ang problema sa trapiko kahit may emergency powers si Duterte.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Gusto kong ibigay ‘yan bago pa mag-Pasko kung talagang mapapatunayan nila na gagawin nila ang trabaho nila agad-agad,” dagdag ni Poe. (Leonel M. Abasola)