BARCELONA (Thomson Reuters Foundation) – Isa ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na panganib na tamaan ng kalamidad, sinabi ng mga mananaliksik noong Huwebes.
Iniranggo ng World Risk Index 2016 ang 171 bansa ayon sa kung gaano kalantad at kahina ang mga ito sa mga likas na panganib, kabilang na ang mga lindol, baha at bagyo.
Nangyayari ang kalamidad kapag nilamon ng matinding likas na kaganapan ang kakayahan ng mga tao na protektahan ang kanilang mga sarili, sinabi ng mananaliksik sa ulat.
Ang mahinang ekonomiya at panlipunang mga kadahilanan ang ilan sa mga dahilan na halos hindi mapanatiling ligtas ng mga bansa ang kanilang populasyon, ayon sa ulat, binanggit ang Solomon Islands (iniranggong pang-6), Papua New Guinea (pang-10) at Guinea-Bissau (pang-15) na labis ding nakalantad sa mga panganib.
Kabilang sa mga dahilan kayat ang mga tao ay nagiging mas mahina sa kalamidad ay ang: kahirapan, paninirahan sa iskwater, limitadong serbisyong medikal at malinis na tubig, katiwalian, at mahinang pagpapatupad ng batas.
Narito ang ilan sa mga katunayan mula index at ang kasamang World Risk Report, na ginawa ng United Nations University, University of Stuttgart at Bündnis Entwicklung Hilft, isang alyansa ng German aid agencies:
•Ang Vanuatu ang bansang may pinakamataas na panganib ng kalamidad, sinusundan ng Tonga, Pilipinas, Guatemala at Bangladesh.
•Ang limang bansa na may pinakamababang panganib ng kalamidad ay Qatar, Malta, Saudi Arabia, Barbados at Grenada.