RIO DE JANEIRO (AP) — Halos dalawang linggo na lamang para sa sa Paralympic Games sa Rio de Janeiro, ngunit may 80 porsiyento pa ang hindi naibebentang tiket, ayon sa organizers nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Nitong Martes, may kabuuang 133,000 tickets ang naibenta para sa torneo na nakatakda sa Setyembre 7-18.
May nalalabi pang 600,000 tickets o 20 porsiyento sa 2.5 million tiket ang nasa takilya pa.
Sa kasalukuyan, ang mabentang ticket ay sa athletics, swimming, 5-a-side football, wheelchair basketball, at sitting volleyball.