CABANATUAN CITY - Sa inisyatibo ng Nueva Ecija Councilors League at bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga, itatayo sa Nueva Ecija ang pinakamalaking rehabilitation center sa Center Luzon na nagkakahalaga ng P100 milyon.

Ito ang nabatid ng Balita mula kay San Antonio Sangguniang Bayan Member Renan Morales, bise presidente ng Philippine Councilors League (PCL) na nag-donate ng limang-ektarya sa Barangay Bakod Bayan sa lungsod na ito para pagtayuan ng rehab center.

Ayon sa plabo, kayang i-accommodate ng itatayong center ang 500-1,000 drug dependent. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar