NASUGBU, Batangas - Patay ang isang 35-anyos na babaeng negosyante matapos umanong barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek sa Nasugbu, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Myra Jane Linga, resort owner, at taga-Villa Mariquita Subdivision, Barangay Lumbangan, Nasugbu.

Ayon sa report ni PO3 Arthuro Salas, dakong 11:35 ng gabi nitong Huwebes at pasakay na sa kanyang Nissan Frontier ang biktima, karga ang tatlong taong gulang niyang anak, nang barilin nang malapitan ng suspek sa F. Alix Street sa Bgy. Poblacion 4.

Away-negosyo ang isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar