Doble ang paghihigpit ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa mga mining company na nag-a-apply ng permit upang makapagmina sa bansa.

Ayon kay MGB director Mario Luis Jacinto, iniisa-isang nilang pinag-aaralan ang mga aplikante upang matiyak na hindi makasisira ng kalikasan ang mga ito.

Kamakailan, naglabas ng memorandum si Environment Secretary Gina Lopez na nag-uutos na salaing mabuti ang mga kumpanya ng minahan upang hindi nila “masalaula ang kalikasan” sa kanilang operasyon. (Rommel P. Tabbad)

Relasyon at Hiwalayan

Nakaiskor na ba? Kristel nahiya sa pulot-gata nila ng Oppa hubby