Maja at John Lloyd copy

KUNG aprubado sa ilang tagahanga ay mas nakakarami naman ang nagpahayag ng pagtutol sa namumuong ‘something’ kina Maja Salvador at John Lloyd Cruz. 

Ayon sa nakausap naming isa sa mga staff ng Star Magic na nangangalaga sa career ng dalawang Kapamilya stars, marami ang hindi sang-ayon na makipagrelasyon si Maja kay John Llloyd.

Ayon sa source namin, pinutakti sila ng tawag na karamihan ay nagagalit sa balitang nagkakamabutihan na sina Lloydie at Maja. 

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Nag-umpisa ang balita tungkol kina Maja at John Lloyd nang magkasamang manood ng How To Be Yours movie na pinagbidahan na ex-boyfriend ng una na si Gerald Anderson at ng paboritong leading lady ng huli na si Bea Alonzo.

Lalong uminit ang espekulasyon na nagkakamabutihan na sila nang kumalat sa social media ang photos nila na kuha sa isang beach resort sa Davao. 

“Sa totoo lang naman, eh, parehong single sina Maja at John Lloyd ngayon kaya may posibilidad na magkahulugan ng loob ang dalawa. At saka parehong nasa tamang edad na sina Maja at John Lloyd, kumbaga, matatanda na naman sila at alam na nila kung ano ang tama at mali,” sey ng source. 

Pero hindi ganito ang pananaw ng netizens na sunud-sunod ang birada kay Maja. Pinutakti ng kung anu-anong mga negatibong komento sa social media ang aktres. 

Tanong pa nga ng isang netizen, bakit daw tila walang kadala-dala si Maja at parang ang iniisip lang ay ang sarili niya.

Pero sa totoo lang, wala pa namang pag-amin mula sa dalawa at wala rin namang pruweba ang lahat kung totoong magkarelasyon na nga sina Maja at John Lloyd, huh!

Well, maliban sa hashtags ni Maja sa post niya na #goodbyeitay at #hellolloydie na nagpapahiwatig na tapos na ang dating pagtaway niya ng ‘tatay’ kay John Lloyd. (JIMI ESCALA)