Panauhing pandangal ang natatanging table tennis player na si Ian Lariba sa opening ceremonies ng 2016 MILO Little Olympics NCR Leg kahapon sa Marikina City Sports Park.

Ang 21-anyos na si Lariba, mas kilala sa palayaw na Yanyan, ay inaasahang magbibigay inspirasyon sa mahigit na 5,000 kabataan na lalahok sa torneo na minsan naging parte ng kanyang karanasan tungo sa pagiging miyembro ng pambansang koponan at pagiging unang manlalaro ng bansa sa table tennis na nakuwalipika sa katatapos na Rio Olympics.

Ang laking Cagayan De Oro at magtatapos ng Management in Financial Institution sa De La Salle University na si Lariba ay minsan naging kampeon sa taunang torneo na nakatuon sa pagdiskubre at pagdebelop sa mga kabataang estudyante mula sa elementarya at sekondarya.

Paglalabanan ang mga sports na arnis, athletics, badminton, basketball, chess, football, karatedo, gymnastics, scrabble, sepak takraw, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang tema ngayong taon ay 2016 Milo Little Olympics: “Energizing Champions, Energizing Dreams.”