SINGAPORE (AFP) – Tinatarget ng Islamic State jihadists na magpalakas sa Southeast Asia sa pamamagitan ng pakikipagsanib-puwersa sa local extremists, babala ng isang mataas na opisyal ng US counter-terrorism noong Biyernes.
May kasaysayan ang IS ng pakikipag-alyansa sa mga militanteng grupo sa buong mundo, kabilang na sa Egypt, Libya at Nigeria, at nais na palawakin ang impluwensiya nito sa rehiyon, ayon kay Justin Siberell, acting coordinator for counter-terrorism ng US State Department.
‘’My understanding is that they have looked at existing groups across the region,’’ sabi ni Siberell sa conference call mula sa Washington sa mga mamamahayag na nakabase sa Asia.
‘’There have been people that have pledged affiliation and allegiance to IS at the group level. We’re certainly concerned about that, we’re concerned about the rise of new IS affiliates and we’re working with governments to do what they can to prevent that.’’
Binigyang-diin din ni Siberell na ang mga militante mula sa Southeast Asia na nakikipaglaban kasama ang IS sa Iraq at Syria ay ipinadala sa isang unit na tinatawag na Katibah Nusantara, at maaaring maging mapanganib sa pagbabalik ng mga ito sa kanilang mga bansa.
‘’We’re certainly concerned about IS’ ability to expand or to establish branches,’’ aniya.
Nagsalita si Siberell noong Biyernes matapos bumiyahe patungong Bali nitong unang bahagi ng buwan para sa pulong sa pagsawata sa cross-border movements ng mga kilala o pinaghihinalaang terorista. Bumisita rin siya sa Jakarta, Malaysia at Singapore bago bumalik sa Washington.