ASINGAN, Pangasinan – Ininspeksiyon kahapon ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug laboratory sa mismong hometown ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa bayang ito, at nakumpirmang negatibo sa droga ang lugar.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1, Pangasinan Police Provincial Office (PPPO), Provincial Health Office (PHO) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pag-iinspeksiyon sa umano’y drug laboratory sa Barangay Sobol.

Kinumpirma ni Supt. Ferdinand de Asis, tagapagsalita ng PPPO, na negatibo sa anumang droga ang pag-iikot nila sa poultry farm sa Bgy. Sobol, Asingan.

Ayon naman kay Asingan Mayor Heidee Chua na nakahinga siya nang maluwag matapos ang inspeksiyon dahil mawawala ang sinasabing may drug laboratory sa kanyang bayan at sangkot umano rito ang kanyang pamilya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sumailalim din kahapon sa drug test sina Mayor Chua, asawa niyang si Peter Chua at ang tatlo pa nilang empleyado, at pawang negatibo sila sa droga.

Kumuha naman ng water at soil samples ang PHO at municipal health office para sa laboratoryo.

“Some drinking water ,waste water and soil samples where races of chemicals were subjected for laboratory at malalaman ang resulta in a week,” dagdag ni De Asis. (Liezle Basa Iñigo)