Nahaharap sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang kanyang kapatid na si Councilor Hero Bautista sa criminal at administrative charges sa Office of the Ombudsman dahil sa kawalan nila ng aksiyon para mapatigil ang bentahan at pagkalat ng bawal na gamot sa siyudad.
Matatandaan na umamin si Hero kamakailan na gumamit siya ng ilegal na droga, pero pinipilit niyang itigil na ito.
Inakusahan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang magkapatid ng dishonesty, neglect of duty at unethical conduct, alinsunod sa Executive Order No. 292, ng Revised Penal Code at Local Government Code.
Pinuna rin ang kanilang paglabag sa city ordinances sa anti-drug abuse and rehabilitation program and implementing the drug-free workplace.
“Unfortunately for the people of Quezon City, your mayor has reduced the office of the local executive as a mere bystander (miron) in the government’s fight against illegal drugs,” ani VACC Chief Dante Jimenez.
“He did not care to advise his brother councilor Bautista to resign for delicadeza,” sa paggamit ng bawal na gamot, dagdag pa niya. (Jun Ramirez)