TAYSAN, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang electrician matapos umanong makuryente habang nag-aayos ng transformer sa Taysan, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Erwin Hernandez, 32, lineman ng Batangas Electric Cooperative (Batelec II) at residente ng Barangay Panghayaan sa naturang bayan.

Nabatid sa report ni PO2 Frederrick Caraan na dakong 6:45 ng hapon nitong Huwebes, nagre-repair ng transformer ang biktima sa Sitio Lantikan sa Bgy. Bacao nang makuryente ito. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar