Walang ginagastos na pera ang gobyerno tuwing umuuwi sa Davao kada weekends si Pangulong Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ng Pangulo, sinabing personal niyang pera ang ginagastos sa pagbiyahe niya pauwi sa Davao at pabalik sa Maynila.

Pero aminado naman ang Pangulo na ginagamit niya ang pera ng pamahalaan kapag siya ay bumibisita sa mga kampo ng militar.

“I do not use government money when I go home and back to Manila for work. But (yes) for my outside visits to the military camps, and to be here, to pay my respects sa fallen hero, lalo na sa anti-drug campaign,” paliwanag ng Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagbisita sa mga kampo ng militar, karaniwang sumasakay sa presidential chopper si Pangulong Duterte para hindi na makadagdag sa problema sa trapiko.

Bukod sa pagbisita sa mga kampo, tinitiyak din ng Presidente na personal niyang nabibisita ang mga pulis at sundalo na nasusugatan o nasasawi sa mga labanan at anti-drug campaign ng gobyerno. (Beth Camia)