Nag-alay ng panalangin si Caritas Internationalis President at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa mga biktima ng magnitude 6.2 na lindol sa Italy.
Ayon kay Tagle, ang trahedya sa Italy ay nagpapaalala partikular na sa mga Pilipino ng matinding pinsala na idinudulot ng lindol lalo’t ang Pilipinas ay malapit rin sa pagkakaroon ng mga ganitong uri ng kalamidad.
Hinimok ng Cardinal ang lahat na ipagdasal ang mga biktima at pairalin ang pagiging bukas sa kapwa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tulong at pakikipagkapatiran.
Sa huling tala, umaabot na sa 267 katao ang namatay sa lindol na tumama sa central Italy noong Miyerkules. Naramdaman din ang mahigit 50 aftershocks. (Mary Ann Santiago)