Nakabalikwas ang San Sebastian College sa 18 puntos na paghahabol para malusutan ang Mapua, 69-67, at buhayin ang tsansa sa Final Four sa 92nd NCAA basketball tournament kahapon sa San Juan Arena.

Ratsada si Ryan Costelo sa naiskor na 20 puntos sa Stags, tampok ang dalawang free throw may 17.6 segundo na nagsilbing bentahe para sa ikaapat na panalo ng Recto-based cagers sa 13 laro.

Naitala rin nila ang upset win sa Perpetual Help (9-3) at San Beda (10-2) sa nakalipas na linggo.

Bagsak ang Cardinals sa 7-4 marka.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We’re now starting to learn to win and I’m happy for the team,” ani San Sebastian coach Egay Macaraya.

Huling lumamang ang Cardinals sa 64-59 mula sa basket ni Shane Menina may nalalabi pang 2:15 sa laro.

Naging mahigpitan ang depensa nang magkabilang kampo bago nakalusot si Costelo para sa winning free throw.

Iskor:

San Sebastian (69) - Costelo 20, Calisaan 15, Ilagan 12, Bulanadi 8, Capobres 4, Gayosa 3, Mercado 3, Fabian 2, Calma 2, Baetiong 0, David 0, Johnson 0, Quipse 0, Sera Josef 0, Valdez 0.

Mapua (67) - Oraeme 16, Menina 12, Estrella 9, Victoria 9, Isit 6, Raflores 6, Bunag 4, Eriobu 4, Serrano 1, Biteng 0, Orquina 0.

Quarterscores:

8-25, 27-38, 50-46, 69-67. (Marivic Awitan)